OPAPRU, kinondena ang nangyaring pagpapasabog sa MSU

Mariing kinokondena ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang nangyaring pagpapasabog sa campus ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City kahapon ng umaga.

Ayon kay OPAPRU Sec. Carlito Galvez Jr., nakikiramay sila sa pamilya ng mga nasawi at umaasang makahahanap ang mga ito ng katatagan at lakas upang malampasan ang hinaharap nilang pagsubok.

Binigyang diin pa ni Galvez na ang hangarin ng mga nasa likod nang pagpapasabog ay maghasik ng takot, galit at pagkabalisa.


Wala aniyang puwang ang ganitong uri ng barbarikong hakbang sa isang sibilisado at mapayapang lipunan.

Giit ng opisyal na makaaasa ang publiko na gagawin ng administrasyong Marcos ang lahat upang mapanagot ang mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

Facebook Comments