Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Carlito G. Galvez Jr., na maging kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.
Matatandaang kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang ang paglahok ng Pilipinas sa summit ngayong June 15 hanggang June 16 makaraang bumisita si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy.
Ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelenskyy, nakipagpulong siya kay Pangulong Marcos para personal itong maimbitahan na lumahok sa taunang Global Peace Summit sa harap ng pagsusulong ng mapayapang pagresolba sa Russia-Ukraine war.
Sorpresa rin itong nagpakita sa Shangri-La dialogue kamakailan para hingin ang suporta ng mga bansa sa Asya sa paparating na peace summit.
Nauna nang nagpahayag ng suporta si PBBM sa pagwawakas ng digmaan sa Russia at Ukraine.