OPAPRU Sec. Galvez: Peace negotiation sa CPP-NPA-NDF, magiging malawak at pinaigting

Mas pinalawak at mas pinaigting ang peace negotiation sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Ito ang inihayag ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr., sa AFP Leadership Summit 2023.

Ayon kay Galvez, ang pag-uusap ay hindi pagpapatuloy ng mga nakaraang peace talks ngunit bagong simula ito ng peace negotiation.


Sinabi ni Galvez na malinaw ang intensyon ng gobyerno na sila ay handang makinig, komunsulta at intindihin ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan upang makabuo ng final principled at fair resolution sa lahat ng isyu.

Tiniyak din ni Galvez na lahat ng may kinalaman sa peace negotiation ay kukunsultahin upang makabuo ng naaayong peace agreement.

Magiging batayan ani Galvez dito ang mga tagumpay ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at local government.

Facebook Comments