![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2025/01/bgc-hosp.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Simula mamayang alas-8 ng umaga ay tatanggap na ng pasyente ang bagong Taguig City General Hospital na matatagpuan sa C-6 Road, Barangay Hagonoy, Taguig City.
Ang nasabing bagong ospital ay handa nang magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga outpatient consultation sa:
• Internal Medicine
• Cardiology
• Pulmonology
• Surgery
• Obstetrics and Gynecology
• Pediatrics
Serbisyo para sa mga outpatient gaya ng:
• ECG
• Minor Surgery
• Spirometry
• Nebulization
Laboratory services para sa:
• Hematology
• Clinical Microscopy
• Microbiology
• Clinical Chemistry
• Diagnostic X-Ray
• Ultrasound
• CT scan
Ang outpatient consultation ay libre, at may 40% diskwento naman para sa mga taga-Taguig para sa outpatient services, laboratory services, at radiology services.
Bukod pa sa karagdagang 20% diskwento para sa mga senior citizens at Persons with Disabilities (PWD).
Lahat ng nangangailangan ay maaari din dumulog sa Malasakit Center sa Taguig City General Hospital Outpatient Department para sa karagdagang tulong pinansyal at medikal.
Pinapaalala na hindi pa tumatanggap ng emergency cases ang Taguig City General Hospital sapagkat hindi pa operational ang ibang departamento ng ospital.
Ang Outpatient Department ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.