Open dumpsite sa Siargao, ipinasara ng DENR

Ipinasara na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang temporary open dump site sa isla ng Siargao.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, matindi ang banta sa kalusugan ng nasabing dump site kung hindi ito isasara.

Ipinag-utos na rin ng DENR ang pagpapatayo ng isang residual containment area o RCA sa lugar.


Sa ilalim ng RCA, pansamantalang iimbak ang mga hindi nabubulok na basura habang wala pang sanitary landfilled doon.

Sabi ni Antiporda, posibleng umabot ng isang linggo ang pagpapatayo ng RCA.

Sa isang pribadong recycling plant naman aniya ipapadala ang mga bote, plastic at iba pang bagay na pwedeng i-recycle.

Facebook Comments