Manila, Philippines – Kinumpirma ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na bukas na ang bansa sa lahat ng dayuhang kumpanya na nais pumasok sa sektor ng telekomunikasyon.
Nabatid na hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na magpasok ng kumpanya bilang ikatlong telecom player sa bansa.
Ayon kay Pernia, matunog lamang ang China dahil wala pang ibang bansa ang nagpahahayag ng interest na mamumuhunan.
Layon ng pagpasok ng mga bagong telecom players ay para mabasag ang duopoly ng dalawang nangungunang kumpanya ang PLDT at Globe telecom.
Facebook Comments