Maari nang pagsabayin ng mga residente sa Manaoag ang pag-aaral at iba pang pinagkakaabalahan sa buhay sa pamamagitan ng Open High School Program sa Manaoag National High School.
Sa ilalim ng programa, independent at self-paced na sasagutan ng isang mag-aaral ang modules at paminsan-minsang pakikipag-ugnayan sa teacher facilitator.
Layunin nitong mabawasan ang dropout rates sa bansa at makapagbigay pa ng paraan sa nais ipagpatuloy ang sekondarya.
Ilan sa requirement ang High School at Elementary Report Card para sa mga dropout o papasok pa lang ng sekondarya, at kinakailangang maipasa ang Independent Learning Readiness Test upang matukoy na kayang mag-aral nang mag-isa ng enrollee.
Sa panayam kay Manaoag Mayor Jeremy Rosario, buo ang pagtanggap sa naturang programa bilang dagdag oportunidad sa edukasyon.
Bukod sa open high school, tuloy-tuloy din ang pagtanggap ng municipal scholars bawat taon mula sa inisyal na higit 150, ngayon ay nasa 250 scholars na. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









