Open house, isasagawa ng Manila Cathedral para sa mga nais bumisita sa simbahan

Magbabalik ngayong Hunyo ang tinatawag na “open house” ng Manila Cathedral, Intramuros sa Lungsod ng Maynila.

Sa isang abiso, sinabi ng pamunuan ng Manila Cathedral na ang open house ay gagawin makalipas ang tatlong taon na pansamantalang pagkahinto dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang nakatakdang open house ay idaraos sa June 12 o Araw ng Kalayaan.


May alok dito na “guided tours” sa iba’t ibang bahagi ng Manila Cathedral.

Layon nito na lalo pang ma-appreciate o mas pahalagahan ng mga Katoliko ang kasaysayan at kontribusyon ng Manila Cathderal sa ating bansa.

Bukod sa guided tours, maglalabas din ng mga bagong cathedral merchandise, magdaraos ng pipe organ mini concert at marami pang iba.

Para sa iba pang update, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Manila Cathedral.

Facebook Comments