Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon ang open letter na ibinahagi ng dubsmash queen na si Maine Mendoza sa kaniyang social media.
Sa nasabing sulat, inilahad ng aktres ang kaniyang saloobin at ito ay naglalaman ng maraming mensahe para sa fans nila ng ka-love team niyang si Alden Richards kasama na ang kanyang lubos na pagpapasalamat sa kanilang suporta lalo na noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz.
Ang open letter din ang ginawang daan ni Maine upang sabihin ang matagal na niyang gustong ipahayag sa ilang fans kung saan isa sa kaniyang hiling na sana ay mabigyan ng respeto ang mga kaibigan at katrabaho nila.
Sinagot din ni Maine ang lumalabas na isyu na sila na ng aktor na si Jake Ejercito.
Ayon kay Maine, magkaibigan lamang sila ni Jake at wala daw namamagitan sa kania kung saan maging ang aktor ay no comment na lamang daw sa isyu baka ma-bash pa siya ng buong Aldub nation.
Samantala, humihiling pa din ng panalangin ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters sa gaganapin coronation night ng Miss Universe 2017 sa Las Vegas na mapapanood na mamaya.