OPEN LETTER | Provincial government ng Aklan at mga stake holders sa Boracay may apela kay P-Duterte

Manila, Philippines – May apela ngayon ang provincial government ng Aklan
at mga stakeholders sa Boracay kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag
ipasara ang isla ng Boracay.

Ito ang napagkasunduan sa meeting na isinagawa noong Sabado na dinaluhan
nina Aklan Governor Florencio Miraflores, Congressman Carlito Marquez,
dating Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo, Vice Mayor Abram Sualog, mga
representative ng national agencies, resort owners at mga stakeholders.

Ipinadala nila ang kanilang apela sa presidente sa pamamagitan ng isang
open letter.


Maliban dito ipapalathala din sa mga pahayagan ang nasabing open letter.

Layunin nito na para makonsidera ng presidente ang magiging desisyon sa
tuluyang pagpasara ng Boracay dahil marami ang maaapektuhan nito.

Facebook Comments