OPEN | Sanya Lopez, game na sumagot sa mga entertainment press tungkol sa kaniyang personal na buhay

Manila, Philippines – Game na sinagot ng aktres na si Sanya Lopez ang mga tanong ng entertainment press tungkol sa kaniyang personal na buhay.

Say ni Sanya, wala daw siyang dapat na itago at wala din daw siyang akong kailangan ipaliwanag nang sobra-sobra.

Bukod dito, nagpapakatotoo lamang daw si Sanya sa kaniyang nararamdaman at kung anong gusto niyong malaman, sasabihin daw niya ang totoo.


Sinagot din ng aktres ang maseselang taong partikular sa kaniyang sexperience kung saan aminado siya na walang siyang alam hinggil ditto.

Nabatid kasi na “NBSB” (no boyfriend since birth) si Sanya kaya at zero daw siya pagdating sa ganitong usapin.

Pero, magkaganoon pa man daw ay ready naman daw ang aktres na gumanap sa isang sexy film sa kabila ng kawalan niya ng sexual experience.

Facebook Comments