Open vaccinations sa residente ng Estado Unidos na may edad 18 pataas simula May 1, ipinag-utos ni US President Joe Biden

Inanunsyo ni US President Joe Biden na maaari nang bigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga residente ng Estados Unidos na may edad 18 pataas simula May 1, 2021.

Ayon kay Biden, magbaba siya ng kautusan sa US states na magsagawa ng open vaccination sa mga residente nitong nais magpabakuna.

Aniya, hakbang din ito para bumalik na sa normal ang buhay ng mga tao sa kanilang bansa at bilang paghahanda sa posibleng pagtitipon para sa US Indepedence Day sa Hulyo 4.


Sa ngayon, ang mga medical frontliners at elderlies pa lamang nababakunahan sa kanilang bansa.

Facebook Comments