Opening ceremony sa palarong pambansa 2019, naging mapayapa

Sa Davao, Walang naitala na mga di kaaya-ayang insidente sa inilunsad na Palarong Pambansa 2019 opening ceremony kahapon sa Davao City UP Sports Complex kung saan may 15-17,000 na mga Delegado ito.

Ayon kay Department of Education o DEPED XI Spokesperson Jenielito ‘dodong’ Atillo, naging mapayapa ang pagbubukas ng nasabing sports event at pinasalamatan si Presidente Rodrigo Duterte at ang gobyerno sa suporta sa palaro.

Samantala, nagbabala naman si Presidente Duterte na wag sirain ang kinabukasan ng mga kabataan.


Ito ay may kaugnay pa rin sa paggamit na iligal na droga dahil aniya siya ang makakalaban ng mga taong gumagamit at nagpapalaganap ng illegal drugs sa bansa.

Ngayong araw, opisyal ng sisimulan ang mga aktibidad sa palarong pambansa 2019 kung saan nasa 17 region mula sa buong bansa ang maglalaban-laban.

Facebook Comments