Opening day ng FIBA Basketball World Cup 2023, dinumog ng Pinoy basketball fans; Record ng Canada sa FIBA World Cup attendance, binasag ng Pilipinas

Dinumog ng Pinoy basketball fans ang pagbubukas ng FIBA World Cup 2023 sa Philippine Arena sa Bulacan kahapon.

Bagama’t hindi napuno ang 55,000-seating capacity ng arena, nakapagtala pa rin ang bansa ng panibagong record sa FIBA World Cup attendance.

This slideshow requires JavaScript.


 

Umabot sa 38,115 ang attendees sa opening day ng FIBA, mas mataas sa 32,616 noong 1994 World Cup finals na ginanap sa Toronto, Canada.

Present din sa opening day ang mga miyembro ng koponang kumatawan sa Pilipinas sa 1987 FIBA World Championship, ang huling beses na nag-host ang bansa sa prestihiyosong international basketball competition.

Dumalo rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging unang laban ng Gilas Pilipinas.

Samantala, bago ang laro, nag-perform muna ang ilang Filipino musicians kabilang si Sarah Geronimo, Ben&Ben at The Dawn.

Facebook Comments