Opensiba ng joint task force ng PNP at Militar sa mga supporter ng Islamic State of Iraq and Syria, nagpapatuloy

27

Manila, Philippines – Nagpapatuloy pa rin ang opensiba ng joint task force ng PNP at militar sa mga supporter ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ito ang sinabi ni Sultan Kudarat PNP Provincial Director Police Senior Supt. Raul Supiter.

Pero nilinaw ni Supiter na ang mga ISIS supporter na kanilang tintutugis ay iba sa Maute Group na umatake sa Marawi City.

Aniya, ang nasabing grupo ay lumipat lang sa Sultan Kudarat dahil sa pagtugis sa kanila ng mga otoridad sa katabing lalawigan ng Maguindanao.

Sa ngayon, hindi muna isasapubliko ang tatlong lugar sa Sultan Kudarat na pinagkukutaan ng mga ISIS supporter.

Matatandaan na una na ring sinabi ni supiter na tukoy na ng mga otoridad ang kuta ng Maute-ISIS supporters sa Sultan Kudarat.

Facebook Comments