Opensiba ng PNP laban sa NPA, inihahanda

Manila, Philippines – Naghahanda ngayon na ng sariling Opensiba ang PNP laban sa CPP/NPA.

Ito ay makaraang tuluyan nang isara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan,

Ayon kay Police Director General Ronald Dela Rosa, may inihahanda na silang plano ngunit tumanggi itong idetalye.


Giit ng heneral, hindi sila maaring tumahimik na lamang at magtaas ng kamay sa rebeldeng grupo.

Kailangan aniya nilang maghanda na sa ngayon ng pakikipaglaban sa NPA bilang tugon sa kanilang mga pag-atake.

Nanghihinayang din daw sila sa pagkakansela ng peace talks ngunit ang mga rebelde ang magpasimula umano ng kaguluhan.

Mas maigi pa rin daw ito sa pamahalaan dahil sa ngayon ay hindi na libreng pagala-gala ang mga lider ng NPA.
At hindi na rin sila malayang makapag-recruit ng kanilang mga miyembro sa mga kanayunan.

Facebook Comments