Operasyon kontra extremist website, paiigtingin ng PNP Anti-Cybercrime Group

Paiigtingin ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang cyber patrol operations laban sa mga extremist website.

Ayon kay PNP-ACG Director, Brig/Gen. Dennis Agustin, tutuntunin nila ang mga online website na nanghihikayat ng terorismo.

Kabilang dito ang 8chan online messaging board na may koneksyon sa mass shooting sa Estados Unidos.


Sa pamamagitan nito, makakatulong na matukoy ang kinaroroonan at operasyon ng may-ari ng 8chan na si Jim Watkins.

Unang napaulat na nandito si Watkins sa Pilipinas.

Facebook Comments