OPERASYON KONTRA ILEGAL NA MUFFLER, PATULOY NA ISINASAGAWA SA SAN JACINTO

Mas pinaigting ng San Jacinto Municipal Police Station (MPS) ang pagpapatupad ng batas laban sa mga motorsiklong gumagamit ng ipinagbabawal at maingay na muffler upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan.

Ayon sa pulisya, pangunahing layunin ng patuloy na operasyon ang pagpigil sa polusyon sa ingay na nakakaabala sa mga residente.

Isinasagawa ang mga pagsisita alinsunod sa umiiral na mga batas at lokal na ordinansa sa trapiko sa ilalim ng Ordinance No. 04-2019, na nagbabawal sa paggamit ng mga motorsiklo at traysikel na walang muffler o may sira o binagong muffler.

Nagpaalala ang himpilan na may kaukulang multa at parusa ang paggamit ng hindi awtorisadong muffler.

Dahil dito, hinikayat ang lahat ng motorista na tiyaking legal at nasa maayos na kundisyon ang kanilang mga sasakyan upang makaiwas sa paglabag.

Binigyang-diin ng pulisya na mahalaga ang pakikiisa ng publiko sa pagsunod sa mga alituntunin sa trapiko upang mapanatili ang kaligtasan, katahimikan, at kaayusan sa buong bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments