Operasyon kontra mga High Value Target at mga Narco Piliticians magpapatuloy ayon kay RD Azurin

43

“May nasa listahan pa kami ng mga opisyal na involved sa illegal drug trade!” Ito ang mariing inihayag ni PDEA BARMM Juvenal Azurin sa naging panayam ng DXMY.

Sinasabing masusi na nila itong sinusubaybayan at kumukuha na lamang sila ng tyempo at karagdagang mga ebedinsya para makapaglunsad na operation laban sa mga ito dagdag pa ni RD Azurin.
Hindi naman pinangalanan ni RD Azurin ang mga ito o ang mga itinuturing na mga Narco Politicians o mga High Value Target para na rin hindi maunsyame ang kanilang mga plano.
Kaugnay nito nagbabala si RD Azurin sa lahat ng mga patuloy na nahuhumaling sa illegal na droga na tigilan na ito dahil magpapatuloy sila sa kanilang kampanya base na rin sa direktiba ni Pangulong Rody Duterte.
Ang pahayag ni RD Azurin ay matapos ilunsad ang operasyon kontra sa isang incumbent First Councilor ng Northern Kabuntalan sa Maguindanao.
Bagaman nagtagumpay ang PDEA BARMM sa nasabing operasyon, ikinalungkot naman ni Azurin na ang isang elected official ay nainvolved sa illegal drug trade.
CCTO PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>


Facebook Comments