Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan ang mas maigting na pagsasagawa ng operasyon laban sa mga private armed group sa bansa.
Ito ay dahil sa inaasahang pamamayagpag ng mga ito dahil sa nalalapit na panahon ng national at local election sa bansa.
Ayon kay PNP Chief, habang papalapit ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) ay inaasahan nilang magagamit ng mga pulitiko ang mga private armed group na ito.
Utos ni Eleazar sa mga police commander sa buong bansa na magkaroon ng heighten measures laban sa mga grupong ito na maariing gamitin para manakot at maghasik ng karahasan.
Pinapalakas ni Eleazar ang intelligence gathering measures para mapigilan ang mga planong karahasan ng mga ito.
Pagtitiyak ni PNP Chief na hindi sila papayag na manaig ang pananakot, pandaraya at karahasan sa darating na halalan.
Batay sa datos ng PNP, mayroong 65 miyembro ng private armed group ang na-neutralize na, walo sa mga ito ang naaresto, isang namatay at 56 ang sumuko.
Sa 13 operasyon naman na ginawa ng PNP mula January hanggang August 2021 kung saan mayroong 73 mga firearmas ang kanilang narekober.