Pinaigting pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang operasyon laban sa mga ipinupuslit na produkto sa bansa.
Sa presentasyon ni Customs Deputy Commissioner Edward James Buco sa organizational meeting ng Committee on Ways and Means, mula Enero hanggang Hulyo 2022 ay aabot na sa P11.09 billion ang nakumpiskang smuggled goods na hindi hamak na mas mataas kumpara sa P10.6 billion na halaga ng makumpiskang puslit na produkto sa buong taon ng 2020.
Umabot naman sa 66 ang naihaing criminal at administrative cases ng BOC laban sa mga pasaway na brokers at importers sa unang kalahating taon ng 2022.
Dahil sa mas pinaigting na hakbang laban sa smuggling ng mga produkto ay inaasahang tuluyang masasawata ang problema sa smuggling ng bansa.
Samantala, sinabi pa ni Buco na 91.18% o 155 sa 170 na customs process ay digitize na salig na rin sa “Ease of Doing Business Act” at “Anti-Red Taped Act”.