Operasyon ng 3 mall sa Muntinlupa City, pinalawig dahil sa voters registration

Pinalawig pa ng tatlong mga malalaking mall sa Muntinlupa City kagaya ng ilang malls ang operasyon ng kani-kanilang Commission on Elections o COMELEC satellite voter registration ngayong buwan ng Oktubre.

Base sa abiso na inilabas ng COMELEC Muntinlupa, ang mga nais na humabol sa pagpaparehistro para makaboto sa darating na 2022 national and local elections ay maaaring magtungo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Habang ang Ayala Mall South Park ng Oktubre 11 hanggang 13 ay maaari rin pumunta sila sa Alabang Town Center ng Oktubre 14 hanggang 15, habang ang SM Center Muntinlupa naman ay bukas ng Oktubre 18 hanggang 30.


Nilinaw naman ng COMLEC Muntinlupa na limitado lamang ang slots ng 3 malls na bukas para sa mga nais na mag-walk-in.

Inabisahan ng Local Government Unit (LGU) ang mga nais na mag-online appointment na magtungo sa mga satellite registration base sa schedule para ito ay hindi masayang o ma-forfeit.

Facebook Comments