Kasunod nang inilabas na Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN Broadcasting Corporation dahil sa kawalan ng legislative franchise.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Atty. Harry Roque na malaya ang ABS-CBN na gamitin ang lahat ng legal remedies upang maipagpatuloy ang kanilang operasyon.
Ayon kay Roque, napatawad na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tv giant network dahil sa hindi pag ere ng kanyang political advertisements nuong 2016 elections pero nanindigan ito na ang kongreso parin ang may final say sa franchise renewal application ng ABS-CBN
Kasunod nito nagpapasalamat ang Palasyo sa ABS-CBN dahil sa ipinamalas nitong serbisyo publiko sa sambayanang Filipino lalo na ngayong may COVID-19 pandemic kung saan isa ang ABS-CBN sa mga media entities na nagbibigay ng napapanahon at tamang impormasyon hinggil sa COVID-19
Sa kabila nito nanindigan ang Palasyo na kung walang prangkisa ang TV giant network ay hindi sila maaaring umere at makapag operate base narin sa naging desisyon ng NTC
Nabatid na simula ngayong alas-7 ng gabi ay mag-off air muna pansamantala ang ABS-CBN.