Operasyon ng airlines mula at patungong South Korea, tuloy parin sa kabila ng travel ban

Patuloy pa rin ang operasyon at biyahe ng mga eroplano patungong South Korea mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa kabila ito ng travel ban ng gobyerno ng Pilipinas sa ilang bahagi ng South Korea dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, 22 flights na papuntang South Korea at pabalik ng Pilipinas ang naka-schedule ngayong araw sa NAIA Terminal 3.


Sa NAIA Terminal 1 naman, 12 flights papuntang South Korea at pabalik ng Pilipinas ang naka-schedule kabilang ang anim na Korean Airlines, dalawang Jeju air at apat na Asiana Airlines.

Habang apat na flights naman ng Philippine Airlines (PAL) ang naka-schedule sa NAIA Terminal 2 at anim naman sa NAIA Terminal 3, dalawang flights ng Cebu Pacific at apat na flights naman ng Air Asia.

Nilinaw ng MIAA na hindi sakop ng travel ban ang biyahe ng mga eroplano kundi mga pasahero lamang.

Nangangahulugan ito na kung may mga naka-book na sa arrival area at nakatakdang dumating ngayong araw ay tatanggapin pa rin ito pero kung mga dayuhan ang papasok ay bawal na.

Subject for home quarantine naman ang mga Pinoy na manggagaling sa South Korea.

Facebook Comments