Operasyon ng Bicol International Airport, nanatiling normal sa kabila ng masamang panahon —CAAP

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nanatiling normal ang operasyon sa Area 5 airports particular ang Bicol International Airport.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, wala ring naitalang kanseladong flight sa paliparan dahil maganda naman ang panahon.

Gayunpaman, mananatili pa rin silang naka-monitor at maglalabas ng mga update para sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon at flight operation.

Samantala, pinaalalahanan naman ng CAAP ang mga pasahero na mag-monitor sa kanilang mga scheduled flight ngayong araw.

Facebook Comments