Operasyon ng Bureau of Corrections, pag-aaralan ng DOJ matapos ang suspensyon ng Ombudsman sa mga opisyal ng BuCor

51

 

Kasunod ng preventive suspension order ng Office of the Ombudsman laban sa 27 opisyal ng Bureau of Corrections, pag-aaralan ng DOJ kung paano patuloy na makapag-ooperate nang normal ang Bucor.

 

Tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na agad maisisilbi ni Bucor OIC Melvin Ramon Buenafe ang suspension order laban sa mga opisyal ng Bureau of Corrections


 

Kaugnay naman ng pahayag ni Pangulong Duterte na hihilingin ng gobyerno sa Korte Suprema na linawin ang Republic Act 10592, sinabi ni Guevarra na may legal position na ang pamahalaan sa isyu at ito ay kanilang isasama sa bagong Implementing Rules and Regulations ng RA 10592.

Facebook Comments

From Advertisers