Operasyon ng Cebu Pacific sa Doha, Kuwait at Riyadh – ititigil na

Manila, Philippines – Ititigil na ng Cebu Pacific ang biyahe nito patungo ng Riyadh, Saudi Arabia; Kuwait at Doha, Qatar.

Ayon sa naturang airline, nagkakaroon na kasi ngayon ng oversupply ng mga upuan dahil sa pagbukas ng ibang air carriers ng flights sa naturang mga ruta.

Bunga nito, sa Hunyo a trese na ang huling flight ng Cebu Pacific patungo ng Kuwait.


Sa July 1 naman ang huling flight ng Cebu Pacific sa Doha at sa July 3 naman ang huling biyahe ng naturang airline sa Riyadh.

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na ililipat sa ibang airlines ang mga maaapektuhang pasahero.

Maaari rin anilang i-refund ng mga pasahero ang pamasahe.
DZXL558

Facebook Comments