Operasyon ng Chuzon Supermarket sa Guagua, Pampanga ipinatigil

Ipinatigil ng lokal na pamahalaan ng Guagua, Pampanga ang operasyon ng isang sangay ng Chuzon Supermarket.

Ayon kay Guagua Municipal Engineer Raul Naguit, hindi muna pinayagang mag-operate ngayong umaga ang Chuzon Supermarket na nasa Barangay Sto. Cristo bayan ng Guagua dahil sa nakitang mga crack sa pader ng limang palapag na gusali.

Sabi ni Engr. Naguit, mismong si Mayor Dante Torres ang nagpalabas ng kautusan kagabi matapos ang isinagawang inspeksyon.


Dahil dito ay nagsagawa na kagabi ng evacuation sa halos 120 empleyado na stay-in at karamihan ay taga Tarlac.

Ang Chuzon Supermarket na pagmamay-ari ng Fil-Chinese businessman na si Samuel Chu na maraming sangay hindi lamang sa central kundi sa iba pang bahagi ng Northern Luzon.

Facebook Comments