Operasyon ng Consular Section ng US Embassy, bukas sa February 9

 

Tuloy pa rin ang operasyon ng Consular Section ng Embahada ng Estados Unidos dito sa Pilipinas sa February 9, 2024 sa araw ng Biyernes.

Ito’y sa harap ng deklarasyon ng Palasyo na special non-working holiday ang February 9 bilang bahagi ng Chinese New Year.

Dahil dito, tuloy ang interview para sa visa ng mga Pilipino na naka-schedule sa Biyernes.


Bukod pa sa appointment at iba pang serbisyo para sa American nationals sa bansa.

Sa mga gusto naman magpa-reschedule ng kanilang visa appointments maaring magtungo sa online appointment system ng US Embassy o tumawag sa kanilang service center sa 8548-8223.

Facebook Comments