Operasyon ng Davao Int’l Airport, normal sa kabila ng malakas na lindol kahapon

Normal operation ang Davao International Airport kasunod ng magnitude  6.9  na lindol kahapon sa Mindanao.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP spokesman Eric Apolonio, walang naitalang pinsala sa mga paliparan na apektado ng lindol kabilang ang Zamboanga Airport at Davao International Airport.

Aniya, wala ring damage ang infrastructure Laguindingan Airport gayundin sa Cotabato, Butuan, Surigao, Pagadian, Mati at Tambler.


Samantala, ang General Santos Airport naman ay gumagamit muna ngayon ng generator set dahil putol ang supply ng kuryete sa paliparan dulot ng 6.9 magnitude na lindol.

Facebook Comments