Operasyon ng DFA Consular Affairs Office sa Aseana sa Parañaque City at Consular Office sa NCR, suspendido ngayong araw

Isinasailalim sa disinfection ngayong araw ang dalawang tanggapan ng DFA Consular Affairs Office sa Aseana sa Parañaque at Consular Office sa NCR West sa SM Manila.

Kaugnay nito, suspendido muna ang operasyon ng dalawang tanggapan upang maipatupad ang kinakailangan mga hakbang ng pamahalaan laban sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang mga aplikanteng may mga confirmed appointment ngayong araw ay maaring i-accommodate bukas, araw ng Miyerkules sa muling pagbubukas ng operasyon hanggang August 20, 2020.


Ang lahat ng iba pang mga DFA Consular Office ay mananatiling bukas alinsunod sa kanilang karaniwang Office hour.

Hinihiling ng DFA ang pag-unawa at kooperasyon ng publiko.

Facebook Comments