Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pansamantala munang sususpindehin ang operasyon ng consular office sa Robinsons Galleria, Quezon City at DFA Consular Office sa Robinsons Place sa Calasiao, Pangasinan simula sa Setyembre 13 hanggang 17.
Dahil ito sa nagpositibo sa COVID-19 ng 10 Consular National Capital Region (NCR) Central personnel at 2 sa Sangay nito sa Calasiao.
Ayon sa DFA, sasailalim muna sa disinfection ang mga tanggapan, susunod sa isolation at quarantine guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ng Department of Health (DOH).
Sa inilabas na abiso ng DFA, lahat ng affected passport appointment ay muling itatakda sa lalong madaling panahon.
Paliwanag ng DFA, lahat ng apektadong applicants ay makakatanggap ng e-mail para sa ibang detalye ng alternative passport appointment.