Operasyon ng DMW One Repatriation Command Center sa Mandaluyong City, nananatiling bukas ngayong araw sa kabila ng suspensyon sa pasok sa mga tanggapan ng gobyerno

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na bukas ngayong araw ang operasyon ng kanilang DMW One Repatriation Command Center (ORCC), sa Blas F. Ople Building sa Mandaluyong City.

Layon nito na magpatuloy ang kanilang pagseserbisyo sa OFWs sa kabila ng suspensyon ngayong araw ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Uwan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng OWWA ang OFWs na mangangailangan ng tulong na tumawag lamang sa kanilang hotlines.

Kabilang sa suspendido ngayon ang mga pasok sa government offices sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, and Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII .

Facebook Comments