Operasyon ng DOH, tuloy-tuloy sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Uwan

Tuloy-tuloy ang operasyon ng Department of Health (DOH) sa kabila ng pagtama ng Bagyong Uwan.

Ayon sa DOH, nakabantay sila sa sitwasyon ng bansa mula sa iba’t ibang rehiyon para sa assessment at response sa mga apektadong lugar.

Naka-deploy rin ang Health Emergency Response Teams, habang fully activated na rin ang Hospital Emergency Incident Command System.

Tiniyak ng ahensya na naipadala na sa mga local government units ang mga kinakailangang health commodities para sa mga evacuees at inatasan ang maayos na rotation ng mga health workers na naapektuhan din ng bagyo.

Nananatiling nasa Code Blue Alert status ang kagawaran bilang bahagi ng high-level emergency response.

Facebook Comments