Balik normal na ang operasyon ngayong araw ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital matapos ang nangyaring sunog kagabi.
Ayon kay Dr. Rica Ching, Public Information Officer (PIOP) at head ng External Affairs ng Fabella – maliit na bahagi lamang sa ikalawang palapag ang nasunog.
Aniya, nagsisilbi itong quarters ng mga doctor at storage habang malayo rin ang lugar kung saan nananatili ang mga pasyente.
Sinabi pa ni Dr. Ching na kagabi hanggang hating-gabi lamang naglimita sa pagtanggap ng pasyente habang nagaganap ang sunog at naglilinis sa lugar.
Off-limits naman sa ngayon ang bahagi kung saan sumiklab ang apoy na napigilan ang paglaki dahil sa gumana ang sprinklers ng ospital.
Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila, problema sa koneksyon ng kuryente ang pinagmulan ng apoy at wala rin naman napaulat na nasugatan.