Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na nananatiling normal ang operasyon ng General Santos City Airport.
Sa kabila ito ng magnitude 7.3 na lindol sa Davao Occidental kanina.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, ini-ulat sa kanila ni General Santos City Airport Manager Joel Gavina na walang naitalang anumang pinsala sa paliparan doon.
Tiniyak din ng CAAP na walang flights na na-delay ang arrival at departure bunga ng pagyanig.
Bukod sa Sarangani at General Santos City, naramdaman din ang lindol sa Davao de Oro, South Cotabato, Zamboanga City at Zamboanga del Sur.
Facebook Comments