Operasyon ng Hanjin, pinasasalo ni Senator Lacson sa gobyerno

Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, mainam kung gobyerno na ang magpatakbo sa nabangkaroteng Hanjin Heavy Industries and Construction sa Subic, Zambales.

Iminungkahi ito Lacson kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kasagsagan ng kanyang pagdepensa sa budget ng Department of National Defense.

Ito ang nakikitang solusyon ni Lacson sa problema ng mga empleyado ng Hanjin at kanilang mga pamilya kung saan magkakaroon pa ng panibagong base ang Philippine Navy.


Paliwanag ni Lacson, puwedeng gamitin sa pagsalo at pagpopondo sa nabangkaroteng shipyard ang mga halagang tinanggal ng Senado sa 2019 budget.

Kasama rito ang kontrobersyal na P75 bilyon na inalis sa pondo ng dept of public works and highways.

Sabi naman ni Defense Lorenzana, nabanggit na niya sa Pangulo ang posibilidad ng pagtake over ng pamahalaan sa Hanjin at ang paglikha ng mga barkong gawang Pinoy.

Ayon kay Lorenzana, sa kanilang pagtaya ay 430-million dollars ang kakailanganin ng pamahalaan para dito.

Facebook Comments