Posibleng magsimula na ang operasyon ng ikatlong Telecommunication Company na Mislatel Consortium sa bansa sa susunod na buwan.
Sa pahayag ng kompanya, sinabi ng consortium member na Chelsea Logistics and infrastructure holdings corporation, nakumpleto na noong Huwebes; Hunyo (June) 13 ang paglagda sa Share-Purchase Agreement (S-P-A).
Target ng Consortium na sa Hulyo (July) na makakuha ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) o prangkisa na kailangan para magsimula na ang kanilang operasyon.
Layunin ng nasabing kompanya na magbigay na mas mabilis at reliable na internet connection sa bansa.
Facebook Comments