Operasyon ng ilang pantalan sa Negros Island, walang problema kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Inihayag ng Philippine Ports Authority (PPA) na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng dalawang pantalan sa Negros Island.

Ito ay ang Pulupandan Port sa Negros Occidental at Guihulngan-Bolado Port sa Negros Oriental.

Ayon kay Eunice Samonte, tagapagsalita ng PPA, nakaranas lamang ng manipis na ashfall ang mga nasabing pantalan.


Agad na nilinis ang ash fall kung saan binigyan ng N95 at N98 masks at medical PPE ang mga tauhan ng pantalan.

Nais kasi ng PPA na maging ligtas ang kanilang tauhan sa banta sa kalusugan mula sa abo.

Tiniyak din ni Samonte na handa ang dalawang pantalan sa pagdating ng mga kailangang tulong sa mga apektado ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

Facebook Comments