
Suspendido ang ilang operasyon ng korte sa ilang lugar sa bansa ngayong araw dahil sa masamang panahon.
Walang pasok ang lahat ng korte sa probinsya ng Batanes, Nueva Vizcaya at Apayao sa ilalim ng hurisdiksyon ng RTC Branch 26.
Gayunpaman, inaasahan ang skeleton workforce kahit walang pasok ang korte sa Nueva Vizcaya.
Samantala, sa Benguet naman ay walang pasok sa unang at pangalawang lebel ng korte sa ilalim ng hurisdiksyon ng RTC La Trinidad.
Sa Batangas ay walang pasok sa RTC Branch 86 sa Taal at sa 7th MCTC ng Taal–San Nicolas.
Sa ngayon, ayon sa PAGASA, lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Nando ngunit mayroon pa ring mabigat na pag-ulan sa bahagi ng mga nabanggit na lugar dulot ng hanging Habagat.
Facebook Comments









