Operasyon ng libreng sakay ng Pasig, muling umarangkada

Binuksan muli ngayong araw ng pamahalaang Lungsod ng Pasig ang operasyon ng libreng sakay para sa mga residente nito.

Ito’y matapos na pansamantalang itinigil ang operasyon nito kahapon dahil sa pagdiriwang ng ika-157 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio.

Batay sa abiso ng Pasig Transport, mahigpit pa rin nilang ipatutupad ang mga community quarantine guidelines at health protocols laban sa COVID-19.


Kaya naman ang payo nila sa mga sasakay, magsuot ng face mask at face shield, magdala ng alcohol o hand sanitizer at sundin ang sukat ng social distancing.

Ang ruta ng libreng sakay ay mula Pasig City Hall papuntang Kenneth, Pasig City Hall papuntang Ligaya via PCGH, at Pasig City Hall papuntang Ligaya via Rosario.

Meron din ruta mula Gilmore papuntang Taytay, Pasig Palengke papuntang Kalentong, at Pasig Palengke papuntang The Medical City via Shaw Boulevard.

Facebook Comments