
Balik normal na ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) mula Dr. Santos patungong Fernando Poe Jr. station at pabalik.
Ito’y matapos magkaaberya ang operasyon ng naturang tren pasado 5:00 PM kahapon.
Sa inilabas na abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), nabatid na nagkaroon ng problemang teknikal ang isa sa mga tren nito.
Iyan ay sa pagitan ng Dr. Santos at Ninoy Aquino stations sa Parañaque dahilan ng pagtigil ng operasyon nito.
Naapektuhan naman ang daan-daang pasahero at naperwisyo ng nasabing aberya subalit tanging pasensya at pasasalamat ang tugon ng naturang pamunuan.
Facebook Comments









