Operasyon ng LRT-1, pansamantalang suspendido sa December 3 at 4

Inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na pansamantalang suspendido ang operasyon ng LRT Line 1 sa loob ng dalawang araw.

Partikular sa December 3 at 4 ng taong ito.

Layon nito na bigyang daan ang preparasyon sa pagbubukas ng LRT-1 Roosevelt Station.


Mananatili namang operational ang 19 na iba pang istasyon mula Baclaran patungong Balintawak.

Pinapayuhan naman ang publiko na planuhin ang kanilang biyahe.

Facebook Comments