Nag-abiso ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na pansamantalang sususpindehin ang operasyon ng LRT-1.
Ito’y sa darating na August 17 at 18; August 24 at 25 at August 31 hanggang September 1.
Layunin ng naturang suspensyon na mapabilis ang ginagawang of LRT-1 Cavite Extension Phase 1 na inaasahang magbubukas sa ika-apat na quarter ng taon 2024.
Kaugnay nito, wala munang biyahe ang mga tren ng LRT-1 mula Fernando Poe Jr. Station hanggang Baclaran Station.
Ang hakbang LRMC ay paraan na rin para sa pangmatagalan oetasyob ng LRT-1 sa Cavite sa oras na ito ay maging operational.
Humihingi ng pang-unawa ang LRMC sa mga commuter at pinapayuhan ang mga ito na planuhin ang biyahe upang hindi maabala.
Facebook Comments