Operasyon ng LRT-2, pina-ikli simula sa Lunes

54

Iniklian ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang operasyon ng kanilang mga train, simula sa July 27 hanggang August 2, 2020.

Apektado ng shortened schedule ang westbound at eastbound tracks na magsisimula ng alas-5:30 ng umaga hanggang alas-7:30 ng gabi.

Ito ay bunsod ng pagbibigay daan sa gagawing pagkakabit ng mga bagong power cables sa Pureza DN Legarda Stations.


Magbabalik sa normal ang operasyon ng LRT-2 sa August 4, 2020.

Facebook Comments