Operasyon ng Mactan Cebu International Airport, balik na sa normal

130

Cebu – Balik na sa normal ang flights sa Mactan Cebu International Airport.

Ito ay matapos na makumpleto ang maintenance repair sa bahagi ng runway ng paliparan.


Una nang kinansela at na-delay ang ilang flights ng Cebu Pacific matapos ang pansamantalang pagsasara sa runway mula kaninang alas dos y medya ng madaling araw hanggang kaninang alas otso y medya ng umaga.
Maliban sa ilang domestic at international flights ng Cebu Pacific, wala namang iba pang air carrier ang naapektuhan ng runway closure.

Facebook Comments

From Advertisers