Operasyon ng mega-vaccination site sa Nayong Pilipino, pwedeng gawing 24/7 – NTF

Posibleng gawing 24/7 ang operasyon sa vaccination site na planong itayo ng gobyerno sa Nayong Pilipino para mapataas ang bilang ng mababakunahan kada araw.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla, may sarili kasi itong storage facility kaya tuloy-tuloy ang makukuhang bakuna.

Matatandaang naging kontrobersyal ang planong pagtatayo ng mega-vaccination site sa Nayong Pilipino matapos itong tutulan dahil sa posibleng impact nito sa kapaligiran.


Sinasabi kasi na kailangang magputol ng 500 puno sa lugar para magkaroon ng espasyo sa itatayong vaccination center.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., hindi pa lumalagda sa kasunduan ang Nayong Pilipino Foundation Board of Trustees hinggil sa konstruksyon nito.

Samantala, tatalakayin muna ng Department of Health ang planong gawing 24/7 ang operasyon ng mega vaccination site dahil nananatiling limitado ang suplay ng bakuna.

Facebook Comments