Operasyon ng mga cargo vessel at fishing boat, kinansela na ng PCG

Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na kanselado ngayon ang operasyon ng mga cargo vessel at fishing boat bunsod ng Bagyong Ambo.

Ayon sa PCG, magbabalik ang operasyon o maritime activities kapag bumuti na at maging normal ang sitwasyon base na rin sa deklarasyon ng PAGASA.

Inatasan na rin ang lahat ng PCG districts at stations sa buong bansa na ihanda ang kanilang personnel at kagamitan sa pagtugon sa mga sitwasyong emergency.


Makikipag-ugnayan din ang mga ito sa kani-kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) para sa posibleng rescue operations at iba pang kahalintulad na aktibidad.

Nakabantay naman ng 24/7 ang PCG Operations Center para sa galaw ng mga sasakyang pandagat na kinansela upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kanilang ari-arian sa lahat ng oras.

Facebook Comments