Operasyon ng mga fixer, matatapos na sa pagpapatupad ng eGov PH Super App ayon kay PBBM

Inilunsad kaninang umaga ang eGov Philippines Super App na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa pangulo, ang mobile application na ito ay maaaring ma-download sa cellphone kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng transaksyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno maging sa mga lokal na pamahalaan.

Makikita rin dito kung saan may mga alok na trabaho, usapin ng turismo at pagbiyahe, pagsisimula ng negosyo at usaping pangkalusugan.


Ang pinakamaganda rito ayon sa pangulo ay mawawala na ang mga fixer sapagkat direkta nang makikipagtransaksyon ang publiko para sa kailangan nilang bayarin o lakarin at hindi na dadaan pa sa kung sinu-sino.

Kaya naman maiiwasan na ang lagayan o suhulan.

Napapanahaon na ayon sa pangulo na tapusin ang sistema ng suhulan sa bansa na dagdag pahirap sa publiko.

Dagdag pa ng presidente, kailangan nang maka-adapt tayo sa makabagong teknolohiya para mapagaan ang lahat ng transaksyon sa gobyerno.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ay mga miyembro ng gabinete, mga kinatawan ng telecommunications company, at iba pang stakeholders.

Sa nasabing eGOV Philippines Super App ay pwede ring magsumbong ang publiko.

Libre ang paggamit ng app basta mayroong internet o data.

Facebook Comments