Mahigpit na babantayan ang operasyon ng mga poultry a piggery farms sa Mangatarem ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Dahilan ito ng problemang pagdami ng langaw dulot ng mga manukan na lubos nakakaapekto sa ilang barangay tulad ng Cabaluyan , Cabaluyan 2nd at Lawak Langka.
Sa isinagawang dayalogo sa mga residente, inihayag ng mga apektadong residente ang kanilang hinaing dahil sa banta sa kanilang kalusugan maging ang kanilang suhestiyon upang masolusyonan ang isyu.
Iginiit ng lokal na pamahalaan ang seryosong pag-aksyon upang matuldukan ito bilang pangangalaga na rin sa kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









